BOMBO DAGUPAN – Isang malaking pasanin umano sa mga mango growers ang pagbagsak sa presyo ng mangga sa kasalukuyan.

Ayon kay Dalisay Moya, Provincial Agriculture Officer sa lalawigan ng Pangasinan, kadalasan kapag tumataas ang presyo ng produkto ay ang bumababa ang demand.

Bagamat maganda ang dulot ng bagsak presyo ng mangga dahil abot halaga ang presyo nito ngayon at marami ang nakakabili ay problema naman ito ng mga mango growers dahil sa mataas na ginastos nila.

--Ads--

Sinabi ni Moya na isa rin sa nakikitang pagdami ng suplay ngayon ay dahil hindi gaanong naapektuhan ng cecid fly ang mga bunga .

Dati rati kapag napepeste umano ang mga punong mangga ay napipilitan na lang na putulin ito ng mga mango growers.

Ang pagkawala ng mga peste ay dahil na rin sa pakikipagtulongan ng Department of Agriculture at Office of the Provincial Agriculture upang ito ay sikaping mapuksa.