Isinusulong ngayon ang isang ordinansa sa syudad ng Dagupan na pagharang ng pornograpiya sa internet.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joey Tamayo, konsehal sa syudad ng Dagupan, lumalabas sa resulta mula statistics na mas nagiging malapit ang mga menor de edad sa hindi magandang relasyon, adiksyon, at problema sa pag-uugali kapag sila ay exposed sa malalaswang content online.
Nakapagtala naman ang Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ng pagtaas ng mga kaso ng cybersex trafficking at sexual violence against minors na kadalasang dahil sa hindi nababantayang paggamit ng mga ito ng internet.
Giit niya na isang malaking bagay na talakayin ang pag-shut down ng mga internet providers ng porn sites sa syudad.
Sa pamamaraang ito ay mailalayo ang mga kabataan sa hindi magandang gawain na naidudulot ng nasabing adult sites, partikular na sa pakiki-apid sa mga kababaihan.
Itinataas din ng nasabing ordinansa ang ligtas, family-friendly, at child-protective digital environment.