BOMBO DAGUPAN – Hinihigpitan ng Pamunuan ng Barangay Herrero-Perez sa lungsod ng Dagupan ang ordinansa para sa tamang pagtatapon ng basura sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Generoso T. Gomez ang Punong Barangay ng Herrero- Perez sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan na isa parin sa mga problema sa kanilang barangay ang problema sa basura.

Aniya na ang pagsasaayos sa usaping ito ay mahirap dahil kapag nakaligtaan ng isang araw ay madami nanaman kaya dapat tuloy-tuloy ang pagmomonitor at pagtutok dito.

--Ads--

Samantala, may mga ordinansa naman silang inaadopt mula sa munisipyo at may sarili din silang ordinansa na isinasagawa tungkol sa waste management kung saan may mga penalty ito.

Nilalagyan din talaga nila ng pangil lalo na ang No segregation No collection Policy na kanilang ipinapatupad.

Kaugnay nito ay may mga nawarningan na silang ilang mga establisyemento dahil sa hindi pagsunod sa kanilang ordinansa kabilang na rin ang pagbibigay ng mga flyers para maipakita na seryoso sila sa pagpapatupad nito.

Tuloy-tuloy naman ang pagpapaalala ng kanilang pamunuan hindi lang sa mga residente ng kanilang barangay kundi pati na rin ang ilang establisyemento na kanilang nasasakupan ukol sa tamang pagtatapon ng basura.