DAGUPAN CITY – “Masalimuot at hindi lamang simpleng usapan.”
Yan ang ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco – Lawyer kaugnay sa usapin patungkol sa pagpapatayo ng bahay sa isang lupa na pag aari ng iba.
Kung saan batay sa nasabing usapin lumalabas na makaraan ang ilang taon ay pinapaalis na sa lupang inokupa ang nagpatayo ng bahay subalit nagmamatigas na umalis at sinabing aalis lamang sa kondisyong bayaran ang nagastos sa pagpapatayo ng bahay na nakatirik sa lupa.
Ani Atty. Yusingco walang masasabing ‘good faith’ patungkol dito gayong alam naman ng nagpatayo ng bahay na hindi niya pagmamay-ari ang lupa at nagmagandang loob lamang ang may-ari.
Hindi rin ito maaaring humingi ng mga kondisyon bago umalis bagkus ay maaari pang hingin ng may-ari ng lupa na bayaran nito ang increase value ng lupa.
Kaugnay nito ay ay maaari namang umapela ang nagpatayo ng bahay na bigyan muna siya ng panahon bago tuluyang umalis sakali mang wala pang lilipatan.
Bagamat kapag ito ay umabot na sa husgado ay husgado na ang mag-iisyu ng order of eviction o ang pagpapatalsik o pagpapa-alis sa may-ari ng bahay.
Kaya’t mainam na magkaroon ng pag-uusap ukol dito o di naman kaya ay idaan sa legal at tamang proseso.