Inihayag ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na ang “Operation Romanov” ay orihinal na banta o babala laban sa pamilya Marcos at hindi laban kay Vice President Sara Duterte o sa pamilya Duterte.Pamahalaang Estado at Lokal

Sinabi ni Santiago na ang salitang “Romanov” ay unang binanggit ni Davao City Mayor Baste Duterte sa isang Hakbang ng Maisug rally noong Enero 2024.

Sa naturang rally, binalaan umano ni Mayor Baste ang Pangulo na bago ito matulog ay isipin nito ang sinapit ng pamilyang Romanov, ang huling Royal family sa Russia na binitay noong 1917.

--Ads--

Nagpahayag naman pagkagulat ang dating NBI chief nang biglang magbago ang kwento sa internet kung saan ikinalat ng ilang vlogger, tulad ni Princess Maui, na ang Oplan Romanov ay isang lihim na plano ng administrasyong Marcos upang itumba ang pamilya Duterte.

Matatandaang si Santiago ang NBI chief nang magsagawa ng isang online press conference si VP Sara noong Nobiyembre 2024, kung saan niya sinambit na mayroon na siyang kinontrata para patayin ang Pangulo, Unang Ginang at dating House Speaker sakaling siya ay mapatay.

Sinabi naman ni Santiago na bilang mandato ng NBI, inimbestigahan din nila ang umano’y mga banta sa buhay ni VP Sara, subalit ayaw umanong makipagtulungan sa kanila kahit magbigay man lamang ng tip sa kung sino ang sa palagay nila ay nagbabanta ng kaniyang buhay.

Kaugnay nito, nanindigan si Santiago na handa siyang tumestigo sa Senate impeachment court para ibahagi ang kaniyang kaalaman kaugnay ng naturang usapin.

Samantala, pinatunayan din ng cybercrime division ng NBI sa nagpapatuloy na impeachment trial na walang katotohanan o “unvalidated” ang anggulong target ang mga Duterte sa planong ito.Pamahalaan

Ang totoong konteksto ay ginamit ito bilang pananakot laban sa mga Marcos.