Nagpaabot ng pakikiramay si Anthony Ang-Angco, operation manager ng speedgame Incorporated dito sa lalawigan ng Pangasinan sa pamilya ni Atty Val Crisostomo mula sa bayan ng Manaoag na binaril sa tapat ng Regional Trial Court sa Bonoan Gueset, Lungsod ng Dagupan.

Sa esklusibong panayam ng bombo radyo Dagupan,  sinabi ni Angco na naging abogado niya  si atty, Crisostomo sa mga nakalipas  mga taon at magpahanggang ngayon. 

Masama naman ang loob niya sa umanoy pagdadawit ng ibang tao sa kanyang pangalan sa pagpaslang dito.

--Ads--

Giit nito na wala silang personal na alitan  ng nasabing abogado.

Matatandaan na patay ang nasabing abogado matapos pagbabarilin sa harapan ng justice hall matapos nitong dumalo sa hearing.