Maaari pang magpatuloy sa operasyon ang Philippine offshore gaming operators (POGO) sa loob ng mga casino at freeport kahit pa man may kautusan na mula sa pangulo na i-terminate ang mga ito.

Ito ang ipinagbabala ni Sen. Risa Hontiveros sa nilalaman na di umanoy loopholes sa naturang presidential order.

Batay sa nilagdaang Executive Order no. 74 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Nobyembre 5, hindi nito tahasang idineklara na sakop nito ang lahat ng establishimento na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

--Ads--

Bagaman, ikinatuwa ni Hontiveros ang programa para sa mga displaced workers ng Pogo, mayroon pa rin aniyang hindi malinaw sa kautusan.

Kabilang na umano ang nakasaad sa Section 1b na hindi kabilang sa pagban ng POGO ang mga online games na isinasagawa sa Pagcor-Operated casinos, lisensyadong mga casinoo integrated resorts na may junket agreements.

Maliban pa diyan, nakita rin ni Hontiveros na tahimik lamang ang kautusan sa kapangyarihan sa mga special economic zone, katulad na lamang ng Cagayan Special Economic Zone ay Freeport, na bigyan ng permiso ang mga kumpanya ng offshore gambling.