Ipinagpaliban ang opening ng pilot class sa barangay Salisay Elementary school dito sa lungsod ng Dagupan batay sa naging rekomendasyon ng mga epidemiologist sa Region I Medical Center o RIMC.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo, chairman ng Committee on Education sa Sangguniang Panglungsod ng Dagupan, kasunod ng pagkakapili ng DEPED na gawing pilot school ang nasabing paaralan ay minabuti nilang magkaroon ng legislatve inquiry o pagsisiyasat upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag aaral.

Sinabi ni Tamayo na nag imbita sila ng mga pangunahing eksperto sa RIMC at base sa kanilang pananaliksiK, ang rekomendasyon nila ay ipagpaliban ang pilot class sa lungsod.

--Ads--

Ayon naman sa kanya, naghahanda na ang DEPED officials sa pag bubukas ng klase pero inuuna munang binabantayan ang situwasyon para matiyak ang kabutihan ng mga kabataan at buong ciudad .

Atty. Joey Tamayo, chairman ng Committee on Education-SP

Hindi naman aniya kasing bagsik ang covid 19 sa lungsod kung ikumpara sa ibang lugar gaya na lamang sa NCR plus base sa pag aaral ng mga eksperto.

Aniya, sakaling lumubo ang kaso ng covid 19 sa ciudad ay nagboluntaryo ang DEPED Dagupan na buksan ang mga public schools na isolation center.

Sakali namang mapuno na ang mga ospital sa ciudad ay ipapatupad ang home care. Ilalagay sa naturang homecare bilang isolation area ang mga covid positive.

Sa ngayon ay bantay sarado ang mga boarders na papasok ng ciudad ng Dagupan bilang depensa at nang malabanan ang pag kalat ng virus sa ciudad.

Atty. Joey Tamayo, chairman ng Committee on Education-SP