Isinagawa ang Open Forum sa pagitan ng Local Chief Executive, department heads at mga punong barangay kung saan ay natalakay ang mga iba’t ibang isyu, program at proyekto ng bayan ng Binmaley dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang courtesy call for local chief executive ay paraan upang malaman at matalakay ang mga suliranin, isyu, proyekto sa imprastraktura at kalagayan ng bawat barangay para mabigyan ng tugon ang mga ito.

Ayon kay Binmaley Mayor Pedro “Pete” Merrera III, tinitiyak nito na napupunta sa tama at napapanahon na proyekto ang pondo ng bayan.

--Ads--

Aniya, kailangang mapangalagaan ang pera ng taong bayan para sa mga proyetong isusulong kung saan pinag aaralang mabuti ang proyekto.

Ipinaliwanag din ng alkalde na may mga ibang proyekto siyang pinasisira kung mali ang pagkakagawa.

Dagdag pa nito, patuloy pa rin ang pagbabayad ng munisipyo sa mga utang ng bayan kung kahit hindi boung pwersa ang pagpapatupad ng mga proyekto.

Kabilang sa mga proyekto ipapatupad ay ang paglalagay ng solar lights at mga CCTV sa mga kalsada.