DAGUPAN CITY- May kakaibang modus na ginagawa ang mga online scammer sa bansa kung saan ang kanilang biktima ay ang mga nagbebenta o nagpaparenta ng sasakyan online.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Edwin Dizon, biktima ng nasabing scam, mayroong nag-inquire sa kaniya upang bumili ng sasakyan sa isang social media platform.
Hindi agad napag-alamang modus ang ginagawang transaksyon dahil sa maayos nitong pakikipag-usap.
Aniya, kaduda-duda ang galaw ng scammer dahil sa outstanding balance nito ngunit hindi agad ito napansin noong una.
Dagdag niya, maraming proseso ang kanilangan niyang pagdaanan hanggang sa hindi na maintindahan pa ng biktima ang sitwasyong kinabibilangan.
Inireport ng biktima ang nangyaring pananamantala at napag-alamang hindi ito ang unang insidente ng online modus.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang hakbang ng biktima at mga awtoridad upang mapanagot ang suspek at mga kasamahan nito.