Dagupan City – Pinapabilis ang pagtatapos ng Onion Cold Storage Facility sa Brgy. Amancosiling Sur sa Bayambang bilang pangmatagalang solusyon upang matulungan ang mga magsasaka ng sibuyas.

Sa tulong ng cold storage, inaasahang hahaba ang shelf life ng ani, na magbibigay sa mga magsasaka ng mas malaking kontrol sa presyo at tamang oras ng pagbebenta.

Kamakailan, sinuri ng Municipal Project Management and Implementation Unit ang progreso ng konstruksyon at ang mga hamon na kinahaharap sa proyekto.

--Ads--

Tiniyak ng mga kinauukulan na sumusunod ang proyekto sa itinakdang pamantayan at iskedyul.

Kapag natapos, inaasahang magpapalakas ito sa produksyon ng sibuyas at magpapataas ng kita ng mga magsasaka sa lugar.