Iminungkahi ni Senador Erwin Tulfo ang isang buwang income tax holiday para sa mga manggagawang Pilipino bilang tugon sa isyu ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1446 o “One-Month Tax Holiday of 2025,” layunin ng panukala na magbigay ng direktang benepisyo sa mga taxpayers at maibsan ang epekto ng bumababang tiwala sa pamahalaan.

Sakop ng tax holiday ang sahod ng mga empleyado ngunit hindi kasama ang mga kontribusyon sa GSIS, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, at mga loan payments. May probisyon din ito para maprotektahan ang sahod ng mga manggagawa mula sa bawas ng employer.

--Ads--

Si Tulfo ang pansamantalang chair ng Senate Blue Ribbon Committee kapalit ni Sen. Panfilo Lacson na nagbitiw dahil sa isyu sa flood control probe.