Dagupan City – Inaasahang magagamit na sa buwan ng Marso ang muling pagbubukas ng One Bonuan City Health Satelite Office na matatagpuan sa Barangay Bonuan Gueset dito sa lungsod ng Dagupan.

Matatandaan na inumpisahan na ang renobasyon at rehabilitasyon dito noong naaprubahan ang budget na naharang ng ilang taon mula sa Supplemental Annual Budget ng Lokal na pamahalaan.

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera ang Medical Officer IV ng Dagupan City Health Office naanumang araw sa buwan ng marso kapag natapos na ang paggawa dito gaya ng pagpintura, paglalagay ng mga wirings at iba pa ay magagamit na ito.

--Ads--

Aniya na ang pasilidad ay mapapakinabangan ng tatlong barangay sa parte ng Bonuan gaya ng Gueset, Binloc at Boquig kung saan may kabuuang populasyon na aabot sa mahigit 40 libo.

Makakabawas na aniya ito sa magiging gastos sa pasahe at oras sa magiging byahe ng mga residente dito na nais magpakonsulta sa kanilang mga sakit na iniinda.

Dagdag nito na may inaantay na lamang silang equipment na magagamit dito para masimulan na ang operasyon sa mga susunod na araw.

Ikwento naman nito ang naging kasaysayan ng nasabing pasilidad kung saan nagsimula ito noong 2018 at nahinto sa nakalipas na administrasyon hanggang ginamit ng Department of Health bilang Operation Center noong pandemya at ibinalik din kalaunan sa City Government ngunit nanakaw at nasira na ang mga gamit at napabayaan kaya binudgetan ito ng nasa 500,000 para sa pagsasaayos nito ngunit wala pa dito ang budget para naman sa mga kagamitan.

Saad pa ni Dr. Rivera na kung masisimulan na ito ay maaring mapunta ang ibang tauhan ng City Health Office sa nasabing pasilidad upang may mangangasiwa.

Samantala, ang mga serbisyo dito ay kapareho lamang ng ng mga Super Family Health Center sa Barangay Bolosan at Malued gaya ng mga medical Consultation, dental services, laboratory services, ECG, Free medicine, prenatal Check-up, immunization at iba pa.