Dagupan City – Matagumpay na naisagawa ang communal gardening ng kabuoang 3,307 partner-beneficiaries ng Risk Resiliency Program (RRP) sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.
Ito ay bilang bahagi ng ikalawang yugto ng programa ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Cash-for-Work na Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for Impoverished).
Layunin naman ng nasabing mga aktibidad na tugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig at pagkain sanhi ng matinding epekto ng El Niño at banta ngayon ng La Niña sa pamamagitan ng pagtatayo ng Small Farm Reservoir upang makapag-tanim parin ng mga gulay at iba pang puno na namumunga.
Inaasahan naman na magkakaroon rin ng kahalintulad na aktibidad sa iba pang sakop na bayan at lungsod sa Ilocos Region.