Umapela ang Olympic-winning boxer na si Eumir Marcial sa mga akusasyon ng pakikiapid at pang-aabuso mula sa kanyang asawang si Princess Jenniel Galarpe Marcial.

Ito’y matapos na akusahan ni Princess si Eumir ng pagkakaroon ng ibang babae. Sa social media post ni Princess noong January 10, 2025, naipakulong niya raw ang boksingero ng limang araw matapos niyang mahuli ito at ang kanyang mistress, na pinangalanan niyang Jessa, sa isang condominium sa Pasay.

Nagapg-alaman din na lumipad pa umano si Eumir sa Zamboanga City para magpatayo ng bahay para makasama umano si Jessa.

--Ads--

Bukod pa akusasyong pakiki-apid, inakusahan din nito si Eumir ng physical abuse at manipulasyon dahilan upang nais na nitong makipaghiwalay kay Eumir matapos ang 14 taong kasal.

Kalakip naman sa post ni Princess ang isang black-and-white picture kung saan makikita umano si Eumir sa kama habang hinihila ng isang babae.

Nang tanungin naman ang boksingero hinggil sa isyu, sinabi nitong self-defense daw ang nangyaring pagtama niya sa asawa, na isa ring boksingero.

Sabay kalakip ng tanong na kung totoo ang pananakit ay bakit gusto pa rin siyang makasama ni Princess.

Aniya, gusto raw kasing makipagbalikan ng asawa kahit humiwalay na siya.

Pinabulaanan din nito ang sabi-sabing nahuli siya ni Princess na nagtataksil kasama ang babae. Sa halip ay sinaktan daw agad ng kanyang asawa ang naturang babae.

Ipinaliwanag din ni Eumir ang akusasyon na nakulong siya at ang babae ng limang araw. Aniya, ang dahilan nito ay ang pagsampa ni Princess sa kanya ng isang reklamo na agad naman nitong inatras.