BOMBO DAGUPAN – Kinumpirma ni Olympic gymnast na si Jake Jarman sa kanyang social media platforms na siya ay tubong bansang Pilipinas, partikular sa Cebu.

Si Jarman, na kumakatawan sa Great Britain, ay sumagot sa isang tanong sa kanyang Instagram stories kung siya ay half-Filipino, sa pamamagitan ng pagkumpirma sa salitang “Real” bilang tugon.

Binanggit din niya ang kanyang Cebuano heritage sa pamamagitan ng pag-post ng larawan ng kanyang sarili na nakasuot ng shirt na “Jake Loves Cebu”.

--Ads--

Bukod dito, nakita rin si Jarman kasama ang kanyang kapwa Pinoy na karibal na si Carlos Yulo, na naghahanda para sa men’s individual all-around at ang finals sa floor exercise at vault.