Hiwalay na umano ang Filipino-American singer-songwriter na si Olivia Rodrigo at ang kanyang boyfriend na si Louis Partridge, matapos ang halos dalawang taong relasyon.

Ito ay ayon sa ulat ng British newspaper na The Sun.

Batay sa ulat, isang source ang nagsabing hindi naging madali ang mga nagdaang linggo para sa dalawa, dahilan upang magpasya silang maghiwalay muna.

--Ads--

Dagdag pa sa ulat, napaulat na naging emosyonal si Rodrigo habang dumadalo sa isang party na ginanap sa London na inorganisa ng English singer-songwriter na si Lily Allen, kasunod ng sinasabing hiwalayan.

Unang umugong ang dating rumors kina Rodrigo at Partridge noong Oktubre 2023, matapos silang makitang magkasama sa ilang pampublikong okasyon.

Mula noon, ilang beses din silang namataang magkasamang dumalo sa mga events at pribadong lakad, na lalong nagpatibay sa hinala ng kanilang relasyon.

Sa kabila ng mga ulat, wala pang opisyal na pahayag mula kina Rodrigo at Partridge hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.