DAGUPAN CITY– Hindi pa rin makapaniwala ang isang Overseas Filipino Worker na makakaligtas sila sa naganap na malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jhonalyn Cibu na tubong Bulacan at nagtratrabaho ngayon sa Beirut Lebanon na kitang kita mismo nito ang pagsabog mula sa kinaroroonan nitong gusali.

Noong una aniya, inakala nitong pagsabog lamang mula sa isang barko ang nangyari kayat agad nitong kinuhaan ng video.

--Ads--

Likod na kasi ng dagat aniya ang kanilang kinaroroonang gusali kaya kita nito ang pangyayari.

Habang lumalaki aniya ang pagsabog ay nakaranas na ng pagyanig ang buong siyudad ng Beirut.

Totally damage din aniya ang mga gusali doon lalot ang mga ito ay gawa sa salamin.

Jhonalyn Cibu, OFW Beirut Lebanon

Ilan sa kaniyang mga kasamahan ay natalsikan ng mga bubog na agad isinugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Dahil din aniya sa bilis ng insedente at takot na lumala pa ang pangyayari, wala siyang nakuhang gamit at maging ang cellphone niya ay kaniyang naiwan.

Jhonalyn Cibu, OFW Beirut Lebanon