DAGUPAN CITY– Labis na nagagalak at nagpapasalamat ang isang OFW sa Beirut Lebanon sa Bombo Radyo Dagupan at kay Dagupan City mayor Mark Brian LIm dahil sa ipinaabot na tulong sa kanyang pamilya dito sa siyudad .

Ayon kay Jennifer Gutierrez Evasan, residente ng Lucao, barangay Pantal dito sa lungsod ng Dagupan at kasalukuyang nagtratrabaho sa Lebanon, lubos na natutuwa ang kanyang pamilya sa ipinagkaloob na bigas at groceries ng alkalde.

Nagpasalamat din siya kay Bombo Framy Dela Cruz Sabado at sa Bombo Radyo Dagupan dahil sa pagsasa hihimpapawid at pagpapaabot sa mga kinauukulan ang kanyang kalagayan sa Lebanon matapos ang malagim na pagsabog na kumitil sa buhay ng higit sa 200 katao na kinabibilangan ng ilang pinoy at ikinasugat ng libu-libong iba pa noong Agosto 4.

--Ads--

Si Evasan ay nakapanayam sa programang zona libre matapos ang naganap na pagsabog sa nasabing bansa.