Payapa ang bansang Afghanistan sa pamumuno ng Taliban, ito ang naging pahayag ng isang Overseas Filipino Worker na piniling manatili sa naturang bansa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joel Tungal na isang United Nations High Commissioner for Refugees (UNCHR) private security contractor sa Jalalabad sinabi nitong nasa maayos silang kalagayan taliwas sa mga balitang nagkakaroon ng kaguluhan ngayong wala na ang grupo ng US army.
Aniya malaya umano silang nakakalabas at walang restriksyong ibinibigay ang Taliban sa kanila.
Protektado rin umano ang kanilang lugar aliinsunod na rin sa naging dayalogo nila ng UN at mga Taliban.
Ayon din kay Tungal na nanatiling ligtas sila sa Jalalabad kahit pa may banta ng Islamic State in Khorasan Province sa kanilang lugar.
Aniya nanantili sa border ng Pakistan ang mga Afghan na balot pa rin ng takot at gustong makaalis sa bansa. Aniya binibigyan naman ng Taliban ng kalayaan na sila ay makalabas ng Afghanistan basta sila ay makapagpapakita ng legal na dokumento.
Dagdag ni Tungal na ‘stability’ ng buong Afghanistan ang gustong makamit ng mga Taliban kung saan unti-unti na ring binubuksan ang mga establisyemento tulad ng mga bangko at isinasaayos na rin ang pagbabalik komunikasyon