Tuloy-tuloy na ang idineklarang red-alert status ng Office of the Civil Defense sa buong Rehiyon Uno bilang paghahanda sa magiging pananalasa ni Tropical Storm Paeng.
Ayon kay Bernadette G. Abubo, ang siyang Civil Defense Officer II ng naturang ahensya na patuloy anilang minomonitor ang paggalaw ng naturang sama ng panahon kung saan una rito ay nagsagawa na aniya sila ng assessment sa posibleng epekto nito.
Aniya na inilabas na rin nila ang gale warning sa apat na probinsya ng Ilocos region lalo na’t hindi lamang ang bagyo ang nakakaapekto sa mga karagatan bagkos nararanasan na rin ang epekto ng northeast monssoon.
Dagdag pa nito na nagpapatuloy ang kanilang response operation sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Norte.
Mahigpit na rin aniya ang kanilang koordinasyon sa Mines and Geosciences Bureau hinggil sa mga lugar na makakaranas ng landslide at pagbaha.
Bagaman hindi pa direktang ramdam sa ngayon ang bagyo ay aasahan umanong bukas ng umaga ay mararanasan sa Northern at Central Luzon ang mga pag-ulan kung kaya’t kaugnay nito ay hinikayat nito ang publiko na manatiling nakaantabay sa kanilang ilalabas na mga abiso upang matiyak na hindi makapagtatala ng anumang insidente sa gitna ng pananalasa ni Tropical Storm Paeng