Inaanyayahan ng Office of the Civil Defense Region 1 ang publiko an makiisa sa kanilang isasagawang nationwide simultaneous earthquake drill dakong alas nuebe ng umaga ngayong araw.

Ayon kay Mark Masudog, ang siyang OCD Region 1 Public Information Officer, isinasagawa nila ang naturang aktibidad apat na beses sa isang taon.

Hinihikayat din nito ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na maaari rin silang magsagawa ng earthquake drill.

--Ads--

Layunin aniya ng aktibidad na ito na magbigay ng kaalaman sa publiko patungkol sa mga paghahandang dapat gawin sakaling makaranas ng pagyanig.

Dagdag pa nito na ang naturang aktibidad ay alinsunod sa Republic Act 10121 na itinatag noong May 2010 upang masigurong nakahanda ang komunidad at mga lokal na pamahalaan.

Sa pagsasagawa nito, mayroon din silang isinasagawang evaluation at assessnment upang kanilang makita kung saang parte ang kinakailangan pang pagbutihin upang maging epektibo ang pagsasanay sa anumang sakunang maaaring maidulot ng lindol.