Dagupan City – Inilatag sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas ang mga aktibidad na naipatupad.

Pinangunahan ito ng ahensyang Department of National Defense, katuwang ang Office of Civil Defense at Philippine Veterans Affairs Office.

Kung saan ay tinalakay ang mga pag-unlad at mga plano para sa rehiyon ng Ilocos.

--Ads--

Nagsilbi naman itong plataporma upang pag-usapan ang mga makabago at progresibong ideya na makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

Dinaluhan naman ito nina Regional Director Gregory Cayetano mula sa Office of Civil Defense – Ilocos, Head ng Philippine Veterans Affairs Office na si Adeadatus Retuta, mula sa Field Service Office Annex – La Union.

Ayon kay Adeadatus Retuta ng PVAO, mula noon hunyo 2024 nasa kabuuang 147,448 na ang kanilang pensioners, 47.69% nito ay mula sa Luzon maliban sa NCR.

Ilan sa kanilang mga tinalakay ay Veterans Welfare and Benefitts Administraion, Veterans Affairs Management, at Veterans Memorial and Historical Preservation.

Dagdag pa rito ang mga accomplishments mula sa ibat’ ibang rehiyon kagaya na lamang ng pag-attend sa mga commemorations, pamimigay ng mga pangunahing pangangailangang medikal, ospital at pamimigay rin ng ilang groceries para sa kanilang mga pensioners.