DAGUPAN CITY- Nanawagan ang Office of the Civil Defense (OCD) Region I na tmaipalaganap ang mahalagang impormasyon hinggil sa pansalamantalang pagbabawal sa paglalayag para sa mga mangingisda sa rehiyon.
Ayon kay Director Mina, mataas ang banta ng panganib sa Rehiyon Uno dahil sa kasalukuyang kinaroroonan at galaw ng bagyo.
Kaya’t kinakailangang agad iparating sa mga komunidad ng mangingisda ang paalalang ito upang maiwasan ang anumang sakuna.
--Ads--
Patuloy naman ang monitoring ng OCD Region I sa sitwasyon ng panahon, at pinaalalahanan ang lahat na sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga disaster response offices para sa kanilang kaligtasan.