DAGUPAN CITY–Mahigpit na minomonitor ngayon ng Office of the Civil Defense o OCD Region I ang lahat ng lalawigang sakop ng rehiyon kaugnay sa epekto ng bagyong Tisoy.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay OCD Region I Director Melchito Castro na naka blue alert status ang kanilang tanggapan upang mamonitor ang mga lalawigan na sakop ng rehiyon na kinabibilangan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur , La Union at Pangasinan.
Malawak aniya ang sakop ng hangin na dala ng bagyong Tisoy kayat maaring maramdaman pa rin ito sa rehiyon.
Bunsod din ng sama ng panahon ay nakabantay din sila sa venue ng mga palaro ng Sea Games partikular na sa San Juan La Union.
Nagpaalala naman si Castro sa publiko na umantabay sa mga latest update kaugnay sa bagyo at huwag agad ding maniniwala sa mga nakapost sa social media.