Nagbabala ang Office of Civil Defense laban sa mga fixers na nag-aalok ng 10 million pesos na assistance fund sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay OCD Region1 Director Melchito Castro, inihayag nito na nadiskubre ng Department of Interior and Local Government o DILG na may mga indibidwal na lumalapit sa mga LGU’s at barangay para hingian ang mga ito ng limang libong piso na processing fee para mabigyan umano sila ng assistance fund mula sa OCD.

voice of OCD Region1 Director Melchito Castro

Mariing pinabulaanan ni Castro na may mga taong inuutusan ang OCD na humingi ng pera sa mga Alkalde dahil libre nilang ibinibigay ang assistance fund kapag naipasa at nakumpleto ng lgu ang mga kinakailangang requirements. Sa oras aniya na matapos ang validation sa mga dokumento ay ibibigay na ito sa opisina ng Pangulo para mairelease ang pondo.

--Ads--

Binigyang-diin pa ng opisyal na mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC fund o Calamity fund ang ibinibigay na pondo para sa mga programa, proyekto at aktibidad ng bawat LGU’s.