Dapat na respetuhin ng lahat ang obserbasyon ng Semana Santa.

Ito ang binigyang diin ni Pastor Militon Artemio, ng United Methodist Church sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan bilang bahagi ng Lenten Programing ng himpilan.

Paliwanag ni Pastor Artemio, anuman ang lahi o relihiyon na kinaaaniban o pinaniniwalaan ng isang taon, ay dapat paring respetuhin o igalang ang okasyong ito para sa mga Katoliko.

--Ads--

Dagdag pa nito na ang ginawa naman noon na sakripisyo ni Hesu Kristo ay para sa boung sanlibutan at hindi lamang para sa iisang sektor o grupo.

Aniya walang anumang piniling paglaanan si Hesus kung bakit niya noon piling magpakasakit sa Krus, kundi ang boung sangkatauhan.


Pastor Militon Artemio

Kasunod nito ay iginiit pa ni Pastor Artemio na kayat kahit anuman ang paniniwala ng isang tao ay dapat paring respetuhin ang Kuwaresma.