DAGUPAN CITY- Isinagawa na ang oath taking ceremony ng mga newly-elected official sa bayan ng Manaoag.

Dinaluhan ang kaganapan ns ito ng mga opisyal mula sa 26 na barangay, senior citizen, Person With Disabilities, at iba pang mga sektor.

Sa naturang seremonya ay nanumpa na ang alkalde, bise alkalde, at 8 konsehal na nagwagi sa nakaraang halalan.

--Ads--

Ito ay sina Doc. Jeremy Rosaro bilang alkalde; Domy Ching sa bise alklade habang sa mga konsehal ay sina Marian Dominica Ching, Perc Villacorta, Jon Edmund Amador, Merlinda Tantay, Anna Arenas Blanco, Rosalino De Vera, Winston Chu Tan at Arnold Zaragosa.

Itinampok naman ni Mayor-elected Rosario sa seremonya ang kanilang mga proyekto sa kanilang bayan.

Kabilang na rito ang nagpapatuloy na proyekto kung saan layunin na pagandahin pa ang kanilang bayan, partikular na ang pamilihan.

Habang inaasahan naman mamayang gabi na magkakaroon pa ng event sa harapan ng munisipyo kung saan dadaluhan ng bandang Nobita ang concert ng pasasalamat.

Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Rosario sa mga residente ng Manaoag dahil sa muling pagtitiwala sa kaniya upang pamunuan ang bayan.