Nagsagawa ng validation activity ang Nutrition Office sa bayan ng Bayambang kung saan inumpisahan ng validation team ang pag-vavalidate sa mga batang mag-aaral sa Bayambang Central School sa tulong ng ilang DepEd Bayambang District Nurses.

Ito ay parte o isang serye ng kanilang validation activity na kanilang proyekto upang bigyang pansin ang nutrional status ng mga batang mag-aaral sa nasabing bayan.

Isinasagawa naman ito sa pamamagitan ng kanilang pag-iikot sa iba’t ibang paaralan.

--Ads--

Ang aktibidad na ito ay kanilang ginagawa sa iba’t ibang paraan kagaya na lamang ng pagsusuri ng mga timbang ng mga batang mag-aaral.

Ito rin ay upang masiguro na walang kaso ng wasting at stunting sa mga kabataan na labis na nakakaapekto sa kanilang nutrisyon.

Ang nutritional status ay mahalaga dahil ito ay direktang nakakaapekto sa kalusugan at kagalingan ng isang tao.

Isa rin ito sa mga pangunahing aspeto ng kalusugan na dapat bigyang pansin upang mapanatili ang kabutihan ng indibidwal at komunidad.