Marami pa ring nararanasang subok hinggil sa press freedom ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jonathan de Santos, Chairman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), dumagdag pa sa mga subok na iyan ang nagpapatuloy na nararanasang pandemya dulot ng COVID-19 na siyang nagbibigay pahirap umano sa mga mamamahayag na mangalap ng balita.

Bukod aniya sa mga nabanggit ay tumataas din umano ang kaso o insidente ng pananakot o pagpatay sa mga malayang namamahayag.

--Ads--

Sa ganitong pagkakataon, ang maibibigay na kasiguraduhan sa mga mamamahayag o manunulat ay ang pagkakadakip at pagkakakulong ng sinumang may sala sa naturang insidente.

Tinig ni Jonathan de Santos

Kaugnay nito, nagbigay paalala si de Santos sa mga mamamahayag na mayoong karapatan ang mga sangkot na personalidad na posibleng binabatikos ng isang mamamayahag na tumgon din sa mga ipinupukol na usapin laban sa kaniya.

Ito ay upang mapanatili ang balanse o ang pagkakaroon ng unbiased opinion na ipinapakalat sa publiko.

Samantala, siniguro ng NUJP na mayroon silang ugnayan sa iba’t-ibang social media sites upang mapangasiwaan ang mga nagkalat na mali o pekeng mga impormasyon dito.

Hindi umano maitatatwa na napakaraming maling impormasyon ang naglipana sa iba’t-ibang social media platforms gaya na lamang ng Facebook at Twitter.

Dahilan upang hindi masala ang lahat ng mga ganoong uri ng ulat.

Ngunit para sa mga naglalakihang usapin na mayroong misleading na mga impormasyon ay tiniyak ng NUJP na sila ay may pakikipag-ugnayan sa mga ito.

Tinig ni Jonathan de Santos

Abiso nito, sa mga ganitong pagkakataon umano ay mainam na kung tayo ay makakita ng mga tiwaling impormasyon online ay iwasto agad at magbigay ng alternatibong mga legitimate sites na mapagkukunan ng impormasyon.