Dagupan City – Tataas sa red alert status ang lalawigan ng Nueva Vizcaya Provincial Disaster Risk Reduction Management Office mula Abril 17 hanggang 20 kaugnay sa Semana Santa.

Ayon kay Luccienne Vale Gano, Shift Team leader Operation Center ng Nueva Vizcaya Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, ito’y upang maiwasan ang anumang insidenteng posibleng maitala sa lalawigan.

Sa katunayan aniya, bago pa man mag-umpisa ang Semana santa, naka-joint preparedness na rin ang mga ito kung saan ay naging katuwang ang Office of the Civil Defence Region 1.

--Ads--

Isa naman aniya sa mga pangunahing naitatalang aksidente sa tuwing sumasapit ang semana santa ay ang aksidente sa kakalsadahan at ang pagkalunod.

Ang Nueva Vizcaya ay mayroong 15 munisipalidad at 126 na baranggay.

Nagpaalala naman ito sa mga residente at sa mga dadagsa sa kanilang lalawigan na iwasang magbiyahe kapag nakainom at tumawag sa kanila o sa pinakamalapit na pulisya upang maaksyunan ito.

Samantala, nakatakda namang bumaba sa blue alert status ang mga ito sa Abril 21.