NTC issued guidelines vs text scam messages

Naglabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng guidelines kung paano ireport ng publiko ang mga natatanggap nilang text scams messages.

Ayon kay Atty. Ana Manille Maninding, legal officer ng NTC region 1, ginawa ng mas madali ang pagrereport ng text scam.
Ang gagawin ay pumunta sa website ng NTC at hanapin ang text scam complaint.

Ifill -in ang information, mag-attach ng screen shot ng scam message at magprovide din ng kopya ng ID.

--Ads--

Ito ay libre at wala umanong babayaran.Kapag naisampa na aniya ang reklamo sa NTC ay iniindorso sa Telcos at sila na ang nag ba block sa mga nasabing numbers.

Dagdag ni Maninding na puwede rin silang mag email sa kanilang tanggapan o puwede ring tumawag.

Una nang pinaalalahanan ng NTC ang publiko na huwag mag -overshare ng personal information sa online at maging maingat sa pagsagot sa mga scam texts dahil ang personal information ng subscribers ay nakararating sa scammers sa pamamagitan ng data breaches na nabibili sa dark web.

Inatasan din ng NTC ang telcos na pabilisin ang proseso ng pagba-block ng SIM cards na ginagamit upang maipagpatuloy ang panloloko at mapahusay pa ang pagme-mensahe ng kani-kanilang public information campaigns kontra sa bagong variants ng text scams.