Maging si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr ay naniniwalang hindi na kailangang mapalawig pa ang umiiral na martial law sa Mindanao.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esperon sinabi nito na bagamat hindi na kailangan pang palawigin pa ang martial law ay kailangan pang huwag bumitaw sa mga isinasagawang random check poInts , operation against lawless elements and terrorist at ang pagpapaigting pa sa intelligence gathering.

Kailangan ding panatilihin ang tinatawag na target hardening at paglalagay ng security measure sa mga posibleng maging target ng terorismo.

--Ads--


Inihayag naman ni Esperon na tanging ang 3 day detention lamang ang di maaring gawin kapag hindi na napalawig pa ang Martial Law sa Mindanao.

Matatandaan na maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay ayaw nang mapalawig pa ang umiiral na martial law sa Mindanao.
Paliwanag ng kalihim masyado nang matagal ang batas militar sa Mindanao.

Ang martial law sa Mindanao ay magtatapos na sa December 31, 2019, na ideneklara ng gobyerno noong 2017 matapos masakop ng Maute terrorist group ang Marawi City.