Patuloy ang pagsawata sa mga PNP scawalag ng PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Northern Luzon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Darwin Zafra, Supervisor ng Northern Luzon PNP – IMEG, nagbigay babala ito sa mga kawani ng pulisiya na sangkot sa anumang uri ng ilegal na gawain.
Aniya, ito ay pagbibigay paalala na rin umano sa mga kababayan natin na mayroong grupo ang maaari nilang dulugan ng reklamo hinggil sa hanay ng kapulisan na mayroong mga ilegal na gawain.
Paglilinaw naman nito na ang Region 1, Region 2 at maging ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay mabababa lamang ang napapaulat na katiwalian sa mga pulis kumpara sa National Capital Region (NCR).
Dagdag din nito na malaki ang pagbabago sa bilang ng mga nasasangkot na pulis sa mga maling gawain sa Northern Luzon simula noong nakaraang taong 2019.
Sa ngayon, ang IMEG ay tumutulong din sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.