Suportado ng iba nating kababayan lalo na ng mga mamimili ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari ng hindi gumamit ng face shield kapag sila ay nasa open area.

Sang-ayon sila dahil dagdag gastos lang naman umano ito para sa marami nating kababayan.

Habang ang iba naman ay tinutuligsa nila ang desisyon ng Pangulo kung bakit ngayon lamang umano niya ito naisipang alisin sa mga panuntunang kanilang ipinatutupad.

--Ads--
Tinig ni Jojo Lalas

Ngunit para sa mga maliliit na negosyanteng kababayan natin, malaking kawalan umano ito sa kanilang kita.

Dahil sa utos ng Presidente ay kanila na lamang ipapamura ang mga nabili ng face shields para lamang bumalik ng bahagya ang kanilang ipinuhunan.

“Lugi ang negosyo.” Iyan ang inilahad ni tatay Reynaldo Esteves na nagbebenta sa mga bangketa sa lungsod ng Dagupan.

Panawagan nilang bawiin ng Pangulo ang kaniyang naging desisyon na maaari ng tanggalin ang paggamit ng face shields sa mga lugar na hindi kasama sa 3C category. Ito ay sa crowded, closed at close contact.

Naniniwala silang malaking tulong o proteksyon ang face shields sa pagsawata ng pagkalat ng COVID-19 sa publiko lalo na umano’t nalalapit na naman ang halalan sa susunod na taon.

Tinig ni Reynaldo Esteves