no swimming policy

Pansamantalang ipinagbabawal ang paliligo sa Tondaligan Beach base sa utos mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council na pinangungunahan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez.

Kaugnay ito ng banta ng Super Typhoon “HENRY” (HINNAMNOR) na nanatiling nasa loob ng Philippine area of responsibility at inaasahang maka-aapekto sa ilang bahagi ng extreme northern Luzon .

Pinapayuhan ang publiko sa NO SWIMMING POLICY na ipinatutupad ngayon sa karagatang sakop ng Dagupan.

--Ads--

Ayon kay Tondaligan Park Administrator Albert Gregorio, puspusan ang isinasagawang pagbabantay at pag-abiso sa mga beachgoers, vendors at mga pumapalaot na bangka.

Magbibigay aniya sila ng abiso at magbabalik rin sa normal na operasyon kung magiging maganda na ang panahon sa mga darating na araw.