Tinutukan ng Pangasinan Maritime Police Station ang “No Swimming Policy” at pagbabawal sa mga mangingisda na pumalaot sa Tondaligan Beach

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Chief Master Sergeant Angelito Soriano, mula sa Pangasinan Maritime Police Station, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa Tondaligan Beach lalo na ngayong may bagyo.

Una na nilang binabantayan ang mga pasaway na nananatiling naliligo sa dagat lalo na ang mga ilang kabataan sa kabila ng sama ng panahon.

--Ads--

Isa na rito ang ‘no swimming policy’ na mahigpit nilang pinapatupad lalo na sa mga oras na ito dahil delikado.

Nakatutok rin ang coast guard sa mga pumapalaot o mangingisda kung saan, sa oras na itaas ang gale warning ay mahigpit silang pagbabawalan.

Dagdag pa niya na hindi naman sila nagkulang sa pagpapaalala.

Handang handa rin ang kanilang mga rescue equipment, at kung sakaling kailanganin pa ng karagdagan ay katuwang naman nila ang CDRRMO.

Isa rin sa kanilang pinangangambahan na problema ay mga residenteng pinipiling ayaw lumikas kung pinapalikas, at kung malala na ang sitwasyon ay saka lamang sila hihingi ng tulong.

Dito ay nagkakaproblema sila kung may pagkakataong sabay-sabay ang paghingi ng tulong ng mga residente.