DAGUPAN CITY- Mahigpit nang ipapatupad ng Land Transportation Office o LTO Region 1 ang ‘no plate, no travel policy sa rehiyon.

Ang implementasyon ay base rin sa pagpapatuloy ng direktiba ng Kalihim ng Departamento ng Transportasyon (DOTr) si Vince Dizon at ilang mga kawani ng ahensya.

Ang mabilis na distribusyon ng mga plaka ay naglalayong mapanatili ang mas ligtas na mga kalsada at responsable na pagmamaneho sa pamamagitan ng madaling pagkilala at pagsubaybay sa mga sasakyan.

--Ads--

Sa mga hakbang na ito, ang LTO Region 1 ay nananatiling nakatuon sa mahigpit na pagpapatupad ng lahat ng mga batas sa trapiko, mga patakaran at regulasyon upang matiyak ang mas ligtas na mga kalsada para sa lahat.