Walang naitalang casualties sa new year’s eve dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Ma. Vivian Villar-Espino, Provincial Health Chief, Pangasinan PHO , 11 kaso ng firecracker-related injuries (FRI) ang naitala sa lalawigan mula Jan 1-2, 2026.

Ngunit ang pagbabasehan ay naitala mula December 21 hanggang January 2 as of 8am ngayong araw, may kabuoang 111 na kaso na mas mababa sa 123 na naitala noong nakaraang taon.

--Ads--

Ang nasabing bilang ay 10 percent na mas mababa ngayong taon.

Pinakamarami nanakapagtalang mataas na bilang ng FRI ay ang lungsod ng Dagupan na mayroong 20 kaso, Lingayen na may bilang na 8, Calasiao na may 8, Bayambang na may 7, Mangaldan na may 5 kaso, at sinundan pa ng ibang bayan.

Sa naiulat na FRI, 51 dito ay “active cases” o ang mga taong aktwal na nagpaputok, habang 60 naman ang “passive” o naputukan lamang.

Karamihan sa mga ginamit na paputok ay Kwitis, 5 Star, Boga, Whistle Bomb, Luces, plapla at Bawang.

Kabilang sa mga nasugatan ang 8 na nagtamo ng eye injuries, 4 kaso ng hand amputation at 1 stray bullet na naitala sa bayan ng Rosales ngunit ito ay nakalabas na ng pagamutan.