Nagbabala si Dr. Glenn Soriano, isang Doktor mula sa Estados Unidos at Natural Medicine Advocate, hinggil sa panganib ng NIPAH virus, isang bihira ngunit mapanganib na sakit na nagmula sa hayop.

Ang NIPAH virus, ay isang zoonotic virus na matatagpuan sa fruit bats o paniki.

Bagama’t hindi nagkakasakit ang paniki, maaari nilang maipasa ang virus sa tao sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain, direktang kontak sa infected na hayop, at sa ilang pagkakataon ay human-to-human transmission lalo na kung may malapit at matagal na pisikal na ugnayan sa taong infected ng virus.

--Ads--

Dagdag niya, ang sintomas ng virus ay may pagkakahalintulad sa karaniwang viral infection tulad ng lagnat, ubo, at pananakit ng katawan kaya mahirap agad itong matukoy kung walang laboratory testing.

Sa malulubhang kaso, maaari itong magdulot ng kahirapan sa paghinga at pamamaga ng utak o encephalitis.

Binanggit din ni Dr. Soriano na ang case fatality rate ng NIPAH virus ay umaabot sa 40-75%, particular umanong mas delikado ang virus na ito sa mga taong may pre-existing conditions at chronic diseases.

Gayunpaman, malaking tulong umano ang malakas na immune system at maagap na gamutan, palliative o symptomatic care, upang maiwasan ang malubhang epekto.

Sa ngayon, wala pang abrupadong bakuna o treatment laban sa NIPAH virus, ngunit ayon kay Dr. Soriano, ang maagang supportive care, tamang nutrisyon, at wastong food safety at hygiene ay epektibong paraan upang makaiwas sa sakit na dala nito.