Dagupan City – Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ng aktor na si Nikko Natividad patungkol sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng noontime show.

Ito’y matapos i-call out ng mga host, partikular na si Vice Ganda, ang searchee na si Axel Cruz nang besohin nito ang searcher na si Christine sa segment ng show. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pag-call out ni Vice kay Axel.

Ayon sa kanila, “napahiya” ang male searchee sa ginawang pagsita ng TV host on national television.

--Ads--

Ayon sa kanyang burado nang Facebook post, naaawa siya sa sinapit nina Axel at Christine na naba-bash dahil sa nangyari.
Mababasa sa post ni Nikko (published as is), “Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila ma-experience at ng exposure pero sobrang trauma yung nakuha nila.”

Walang binanggit na pangalan si Nikko kaya nag-iwan ng palaisipan sa netizens kung sino ang pinasasaringan niya sa kanyang post na namahiya at nang-power trip sa kanya.

Hula ng ilang netizen, may kaugnayan kay Vice ang post niyang ito, lalo na’t sa pagkakaalam ng publiko ay malapit sila sa isa’t isa ni Nikko.