DAGUPAN CITY–Kulong ang isang Nigerian national matapos na pagsasaksakin ang kapwa Nigerian sa bayan ng Villasis Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Emmanuel Ogbu, Nigerian national habang ang biktima na kanyang ka-boardmate ay kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Ayon sa pulisya, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa hatian sa mga bayarin sa mga gastos sa bahay, sa pagluluto at renta ng apartment.

--Ads--

Nabatid na ikinagalit ng suspek ang biglaang paglipat ng biktima sa ibang apartment at hindi nito pagbabayad sa mga iiwanang bayarin.

Kuwento pa ng suspek, una umano siyang sinakal ng biktima kaya kinuha nya ang kutsilyo para depensahan ang sarili.