Bahagi ito ng mas pinalakas na inisyatiba upang mapanatili ang insurgency-free status ng Pangasinan at maiwasan ang muling pag-usbong ng mga lokal na armadong grupo.
Ayon sa NICA, mahalaga ang naturang hakbang upang mas mapaigting ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya sa pagtugon sa mga banta sa seguridad.
Tiniyak din ng ahensya ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng intelligence support at threat assessment bilang katuwang ng mga institusyong nagpapatupad ng programa, alinsunod sa mandato nito sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Kaugnay nito, muling ipinaliwanag ng NICA ang kanilang papel bilang chairman ng Situational Awareness and Knowledge Management Cluster ng NTF-ELCAC.
Bilang bahagi ng naturang tungkulin, nakatuon ang ahensya sa pagbibigay ng tamang impormasyon, pagsusuri sa mga potensyal na banta, at pagtulong sa mga partner agencies upang mapigil ang mga galaw ng mga grupong naglalayong mag-recruit ng tinatawag nilang “urban terrorists.”
Kinikilala ng NICA ang patuloy na pagsisikap ng kanilang mga katuwang na ahensya sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa mga komunidad.
Binibigyang-diin nito na ang mga sektor gaya ng kabataan, estudyante, magsasaka, mangingisda, at iba pang vulnerable groups ang kadalasang target ng pagre-recruit, kaya naman mahalagang mapalakas ang kampanya laban sa ideolohiyang nag-uudyok ng lokal na armadong tunggalian.
Sa patuloy na pakikipagtulungan ng NICA, PNP, AFP, PCG, at iba pang ahensya ng pamahalaan, umaasa ang pamunuan na magpapatuloy ang kapayapaan sa Pangasinan at masusugpo ang anumang posibleng banta na maaaring makasira sa seguridad ng lalawigan.
Pinapurihan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG) sa matagumpay na paglulunsad ng bagong security space o programa na naglalayong higit pang patatagin ang seguridad at kapayapaan sa lalawigan.