Nagsagawa ang National Irrigation Authority Region I ng dalawang araw na seminar ukol sa Personnel Attendance Monitoring Information System (PAMIS) at Online Leave Application Management Information System (OLAMIS) sa Regional Training Center ng NIA Compound ng Brgy. Bayaoas sa Urdaneta City.

Layunin ng seminar na mapahusay ang kasalukuyang operasyon ng ahensiya sa pamamagitan ng pagsasama ng mga online system, alinsunod sa mga regulasyon ng gobyerno, upang mapabilis at mapadali ang pagmo-monitor ng attendance at performance ng mga empleyado na nakabatay sa 7-point strategic policy agenda ng Administrator.

Ayon sa NIA, mapapakinabangan ng mga tauhan ng Human Resources ang sistema sa pagtiyak ng katumpakan ng mga datos na nakalap kumpara sa manu-manong pagtatala.

--Ads--

Makakatanggap din ng mga notification ang mga empleyado at supervisor batay sa datos na nabuo ng sistema.

Inaasahan na ang inisyatibong ito ay makatutulong sa pagpapanatili ng isang disiplinado at produktibong kapaligiran sa pagtatrabaho sa ahensiya.