Sapat ang suplay ng bigas sa lalawigan ng Pangasinan sakaling may mga Local Government Unit (LGUs) na magrequest o may intention na makisali sa PhP20-per-kilo rice program.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Frederick Dulay, Branch Manager, NFA Eastern Pangasinan, sinabi nito na sa ngayon ay hindi pa naimplementa sa lalawigan ang nasabing programa magkagayunman ay mayroon na umanong implementing rules ang ahensya.
Tanging hinihintay nila ay ang direktiba ni pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos kung kailan ito ipatupad sa lalawigan.
Ayon kay Dulay may nakalagak sa mga NFA warehouses na 536,581 bags ng palay habang 31,000 na bags ng bigas.
Tuloy tuloy pa rin aniya ang pagbili ng palay mula sa mga magsasaka at sa katunayan ay medyo marami ang nabili nila ngayong buwan.
Matatandaan na target ng Department of Agriculture (DA) na ang pagbibenta ng P20 pesos kada kilo ng bigas hanggang 2028 kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ahensiya na gawing pangmatagalan ang bentahan ng murang bigas na pwede pang palawigin hanggang Pebrero ng susunod na taon.