DAGUPAN CITY– Tiniyak ng tanggapan ng National Food Authority o NFA Eastern Pangasinan na mayroong sapat na suplay ng bigas na maaaring gamitin at bilhin ng taumbayan hanggang matapos ang taong kasalukuyan.

Nabatid mula kay NFA Provincial Manager Veralew De Vera, na mayroong 241,000 bags ng palay at 10,000 bags ng bigas.

Patuloy din ang kanilang paggiling ng palay na siya namang dinidistribute sa mga LGU’s at relief agencies.

--Ads--

Giit ng opisyal na sa ngayon, pangunahing prayoridad ng kanilang hanay ang bawat LGU’s dahil sila ang kadalasang bumibili ng NFA Rice bilang pang tulong sa mga residente na apektado ng Covid-19.

Bukod sa murang halaga kumpara sa mga commercial rice, maganda din aniya ang kalidad ng kanilang bigas at malaking tulong din aniya ang NFA rice lalo na sa relief operation na isinasagawa ngayon.

Dahil sa nalalapit na din ang panahon ng tag-ulan, abala na din aniya ang kanilang opisina na makapag ipon ng sapat na suplay ng bigas na maaari pang magamit sa mga pang mga buwan.