Dagupan City – Nakapagbigay na ang NFA Eastern Pangasinan ng 5,000 Bag ng Benteng Bigas sa bayan ng San Nicolas.

Ayon kay Frederick B. Dulay, Branch Manager ng National Food Authority (NFA) Eastern Pangasinan isa sa mga pangunahing benepisyaryo ng tulong ay ang bayan ng San Nicolas na nanguna sa pagpapatupad ng Benteng Bigas Meron Na o BBM Program.

Ang inisyatibong ito Pangulo ay layuning maipaabot ang tulong sa mga kabilang sa vulnerable sectors gaya ng mga senior citizen, solo parents, minimum wage earners, at iba pang sektor na higit na nangangailangan.

--Ads--

Inaasahan namang susunod na ang LGU ng Calasiao na makakatanggap ng tulong.

Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang NFA Eastern Pangasinan sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang matiyak na maibibigay ang mga karampatang benepisyo sa mga kwalipikadong indibidwal, alinsunod sa hurisdiksyon ng naturang ahensya.

Samantala, nauna naman nang nakapagbigay ng 5,000 Bags ang NFA Eastern Pangasinan sa buong lalawigan sa isinagawang relief operations, ang mga ito ay galing na rin sa tulong na ibinigay ng Office of Civil Defense (OCD) at pamahalaan.