BOMBO DAGUPAN – Hindi lamang sa mga kababaihan kundi maging sa kalalakihan din. Marahil para sa ilan, gayong hindi naman ganoon kadami ang reported cases ay hindi na nangyayari. Subalit lingid sa kanilang kaalaman na ang ganitong mga insidente ay hindi na bago.
Maraming mga kalalakihan sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakakaranas ng nasabing pang-aabuso, maraming napapabalita ngunit tila ba’y hindi masyadong binibigyang pansin, maging binibigyang aksiyon.
Lahat ay pwedeng makaranas ng sekswal na pang-aabuso wala itong pinipiling kasarian. Bagama’t mahina pa ang boses ng mga kalalakihan dahil marami parin ang nahihiyang magkuwento ng kanilang mapait na karanasan ay isasawalang bahala na lamang natin ito.
Dapat ay magkaroon din sila ng parehong proteksyon gaya ng mga kababaihan, batas na magtataguyod ng kanilang karapatan at hustisya na sana ay maipagkaloob sakanila.
Sana ay magbago na ang ating pananaw na “hindi basta bastang maaabuso kasi lalaki”, tama na ang pagiging sexist, tama na ang stereotyping.
Itigil na ang pagkakaroon ng double standards sa ating lipunan. Nawa’y maging bukas ang ating isip at huwag magkibitbalikat lamang.
Pakatandaan na proteksyon para sa lahat ang ating kailangan.