BOMBO DAGUPAN – Rice for all ngunit tila iilan pa lang ang nakakabili nito.
Ang Rice-for-All program ay ikinasa para makabili ng P45 kilo na well milled rice ang publiko bukod pa sa P29 program para sa mga vulnerable sectors.
Nagsimula na ito sa Metro Manila at sa ibang lugar sa bansa ang Rice for All o murang bigas sa presyong P45 kada kilo at well milled pa ito.
Apat na Kadiwa Stores pa lamang ang nag-alok ng well-milled rice sa nasabing halaga at ito ay sa Taguig City, Manila, Caloocan at Malabon.
Siniguro naman ng Department of Agriculture (DA) na ilalat ito sa buong bansa nang makakabili rin ng murang bigas ang ibang residente.
Tama rin naman ang hakbang ng pamahalaan na ikalat ito sa buong bansa upang hindi sabihing palabas lamang ito ng ating gobyerno.
Gawing kapani paniwala at nang makinabang ang lahat ng Pilipino.
Tiyakin din sana ng pamaahalaan na pangmatagalan ang programang ito .