BOMBO DAGUPAN – Kamakailan lamang ay naghain si Senator Robin Padilla ng panukalang batas na magpapataw ng parusang kamatayan para sa mga mapapatunayang “guilty” sa kasong grave rape.

Ang tanong makalulusot ba ito sa senado? Kung sakali man ano kayang paraan ang makataong gamitin? lethal injection? silla electrica? o kung iisipin namang mabuti gayong mabagal at bulok ang sistema ng batas at hustisya dito sa bansa. Tama lang ba na magkaroon ng ganitong batas? Hindi ba’t ang dehado dito ay ang mga mahihirap?

Marahil kung ating iisipin nababayaran na ang hustisya sa ngayon. Basta’t may pera ay madali mapapatahimik ang biktima. Pilipinas nga naman.

--Ads--

Maganda man ang hangarin sa likod ng panukala na ito subalit dapat munang tignan ang magkabilang sulok ng posibilidad.

Posible ba itong maging paraan para mabawasan ang ganitong krimen sa bansa o posible ba itong magdulot lamang ng kaguluhan sa proseso sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima.